^

Bansa

Velasco pinayuhang mag-give way sa Speakership race

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Velasco pinayuhang mag-give  way sa Speakership race
Ayon kay Rye, hindi pang On-the-Job training ang House Speakership at hindi rin sapat ang kakayahan ni Velasco kumpara sa ibang mga kandidato kaya makabubuti na magparaya na lamang sa mga senior at seasoned politicians na taglay ang kuwalipikasyon para maging magaling na lider ng Kamara.

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni political analyst Ranjit Rye si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na mag-give way na lang sa Speakership race.

Ayon kay Rye, hindi pang On-the-Job training ang House Speakership at hindi rin sapat ang kakayahan ni Velasco kumpara sa ibang mga kandidato kaya makabubuti na magparaya na lamang sa mga senior at seasoned politicians na taglay ang kuwalipikasyon para maging magaling na lider ng Kamara.

Dagdag pa nito, sa murang kakayahan ni Velasco ay dapat “ watch, listen and learn” muna ito sa Kamara at hindi pa targetin ang posisyon bilang House Speaker.

“Despite his passion to be a Speaker, he really should give way to more senior members. He has a long way to go pero ngayon in his younger years what he should do is really to watch, listen and learn. Spearkership post is for the seasoned politicians who has the experience, the character and the intergrity, ” pahayag ni Rye kung saan mas hahangaan pa umano si Velasco kung magpaparaya ito.

Si Velasco ay two termer congressman ng lalawigan ng Marinduque.

Samantala, posibleng sa Hunyo 28 na papa­ngalanan ni Pangulong Duterte ang susuportahan sa pagiging speaker ng Kamara.

Ayon kay Senator-elect Bong Go, ito ang kahilingan ng Pangulo sa mga bago at re-elected na kongresista na dumalo sa handog na dinner ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi sa Malago clubhouse sa Malacañang park na dinaluhan ng nasa 150 kongresista.

vuukle comment

LORD ALLAN VELASCO

RANJIT RYE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with