^

Bansa

K-12 tuloy – DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
K-12 tuloy � DepEd
Ayon kay DepEd Sec.Leonor Briones, nagkamali lamang ng interpretasyon ang ilan sa pahayag ng Commission on Higher Education (CHEd) na planong isailalim sa pagrebyu ang K to 12.

MANILA, Philippines — Tuloy ang K-12 program ng pamahalaan at walang plano na ipatigil ito. 

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, nagkamali lamang ng interpretasyon ang ilan sa pahayag ng Commission on Higher Education (CHEd) na planong isailalim sa pagrebyu ang K to 12.

Sinabi ni Briones, ang K-12 program ay batay sa Republic Act No. 10533 o ang “Enhanced Basic Education Act of 2013” kaya hindi ito basta-basta maibabasura lamang at ang anumang pag-amyenda o pagpapawalang bisa sa programa ay nakasalalay sa Kongreso.

Nanindigan rin ang DepEd na mahigit 2.7 milyong estudyante na ang nakinabang sa programa.

Binigyang diin pa ng departamento na ang pag-repeal sa programa ay may negatibong epek­to sa sistema ng edukasyon sa bansa. 

Magugunita na tatlong taon na ngayon ang nakalilipas noong unang ipatupad ang K-12 program ng pamahalaan na inaprubahan noong Aquino administration.

vuukle comment

K-12 PROGRAM

LEONOR BRIONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with