^

Bansa

10 katao inaresto sa vote buying sa Cavite

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
10 katao inaresto sa vote buying sa Cavite
Ayon sa pulisya, rumesponde ang mga otoridad sa tawag ng isang concerned citizen na mayroong vote buying sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kay Inflagrante Delicto dahil sa paglabag sa Omnibus election code BP 881 Section 261.

MANILA, Philippines — Sampu katao ang inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil umano sa vote buying sa Brgy. Zapote 5, Bacoor, Cavite.

Kabilang sa mga inaresto sina Teresita Marjes, Irene Morales, Elsi Alano, Jayson Alba, Rex del Rosario, Jose de Leon Dizon, Gregorio Tamio, Michael Omedes, Joselino Villa at Jowel Sale.

Base sa imbestigasyon dakong alas-6 ng Sabado ng gabi ng isagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng CIDG, Cavite PFU at PIB Cavite PPO.

Ayon sa pulisya, rumesponde ang mga otoridad sa tawag ng isang concerned citizen na mayroong vote buying sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kay Inflagrante Delicto dahil sa paglabag sa Omnibus election code BP 881 Section 261.

Narekober sa natu­rang operasyon ang bundle ng maliliit na brown envelop na nag­kaka­halaga ng tig-P200,00 at may kabuuang P75,800, P83,500 cash, plastic bag na naglalaman ng red wristbands na may marking FIX.

Gayundin ang dalawang piraso ng puting t-shirt na may nakasulat na “Tapat sa Bayan, Tapat sa Usapan” Jonvic Remulla Gobernador at isang pulang notebook na may listahan ng pangalan ng mga tao.

vuukle comment

VOTE BUYING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with