^

Bansa

Landslide win ng mga Cayetano sa Taguig, napulsuhan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siguradong patungo na ng landslide victory ang mga Cayetano sa lungsod ng Taguig, ito ay matapos maglabas ng panibagong survey ang Pulse Asia kung saan malaki ang lamang na boto nina Lino, Lani, at Alan Peter kontra sa mga kalabang kandidato. 

Ayon sa survey ng Pulse Asia na inilabas ilang araw bago ang halalan, 64 percent ng mga Taguigeño ang nais na maluklok si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa 1st District ng Taguig-Pateros, kumpara sa 36 percent na nakuha ng kalabang si Allan Cerafica. 

Sa 2nd District, ang naka-upong mayor ng Taguig City na si Lani Cayetano ay nanguna sa kanyang 76 percent kontra sa kalabang si dating konsehal Che Che Gonzales na ?may 21 percent.

Samantala, si dating Taguig Congressman Lino Cayetano naman ay lumabas na napakalayo rin ang lamang sa kalaban nitong si Taguig-Pateros 1st District Congressman Arnel Cerafica, para sa karera ng pagka-mayor ng Taguig.

Si Lino Cayetano ay nakakuha ng 65 percent na boto habang 33 percent naman ang nakuha ni Arnel Cerafica.

Si Taguig City Vice Mayor Ricardo “Ading” Cruz Jr., na lumalaban para sa kanyang huling termino bilang vice mayor, pati na rin ang buong miyembro ng Team Lino Cayetano councilors sa District 1 at 2 ay inaasahan din na makakahakot ng malaking lamang kontra sa mga kalaban, ayon sa bagong Pulse Asia survey.

vuukle comment

LINO CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with