^

Bansa

Anti-Endo at Anti-Bundy Clock Law, isusulong ng Ang Probinsyano Partylist

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Ang Probinsyano Partylist na kinakailangang wakasan na ang “endo” na siyang inaabuso ng mga employer upang makaiwas sa itinatakdang regularisasyon ng mga manggagawa pagkatapos ang anim na buwang trabaho. 

Hangad din ng Ang Probinsyano Partylist ang Anti-Bundy Clock Law upang mas mabigyang halaga ng mga employers ang pagiging produktibo ng isang manggagawa sa halip na timbangin ito sa pamamagitan ng haba ng oras na kanilang pagpasok sa opisina. 

Dahil sa internet ay hindi na kinakailangan sa ilang uri ng propesyon, kasama na rito ang ilang opisina sa pamahalaan, ang pisikal na pagpasok sa trabaho at makipag-unahan sa bundy clock. 

Sa pamamagitan nito ay hindi maaaring maging batayan ang attendance upang masibak sa trabaho ang isang empleyado. Hindi na rin maaaring ga­wing batayan ang haba ng oras para magkaroon ng overtime kundi sa dami ng idinagdag na trabaho para sa isang manggagawa.

Naniniwala ang Ang Probinsyano Party-list na magiging mas matipid ito hindi lang para sa mga manggagawa na halos nakalaan ang sweldo sa pamasahe araw-araw kundi maging sa mga employers lalung-lalo na sa mga bayarin sa kuryente, office supplies at upa sa opisina. 

vuukle comment

ANG PROBINSYANO PARTYLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with