^

Bansa

Mag-ingat sa tindi ng init – PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mag-ingat sa tindi ng init � PAGASA
Karamihan sa mga lugar sa bansa ay nakakaranas na ng matinding init na may heat index na 32 degree celcius hanggang 41 degree celcius sa ilalim ng extreme caution category na nanga­ngahulugan na dahil sa tindi ng init ay maaari kang dumanas ng heat cramps, heat exhaustion at pinakagrabe ang heat stroke
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat laluna ang mahihina ang katawan mula sa nararanasang tindi ng init ng panahon sa bansa.

Karamihan sa mga lugar sa bansa ay nakakaranas na ng matinding init na may heat index na 32 degree celcius hanggang 41 degree celcius sa ilalim ng extreme caution category na nanga­ngahulugan na dahil sa tindi ng init ay maaari kang dumanas ng heat cramps, heat exhaustion at pinakagrabe ang heat stroke.

Ang heat index ay may apat na level - caution, extreme caution, danger at extreme danger.

Ang mga lugar na nakakaranas ng 27-32 degree celcius heat index ay nasa ilalim ng caution category; extreme caution category, 32-41; danger category, 41-54 at extreme danger category ay 54 degree celcius heat index.

Sabi ng PAGASA, kung wala namang gagawin ay manatili na lamang sa loob ng bahay at kung walang airconditoning ang bahay ay manatili sa pinaka mababang palapag ng tahanan na malayo sa init ng araw.

Kung lalabas ng bahay ay magsuot ng mga maninipis na damit at hindi matingkad na kulay na kasuotan. Ang light colors ay magre-reflect ng enerhiya ng araw.

Ugaliin ding uminom ng tubig upang makalma ang pakiramdam ng katawan.

Kapag kakain, dapat konti-konti lang kahit maya’t maya at huwag kakain ng mataas sa protina dahil magdudulot ito ng pagtaas ng init ng katawan.

Huwag ding iinom ng alak dahil mababawasan nito ng tubig ang katawan.

vuukle comment

HEAT INDEX

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with