‘Doble plaka’ ipinatigil ni Digong
MANILA, Philippines — Pinasususpinde ni Pangulong Duterte sa Land Transportation Office ang pagpapatupad ng batas sa “doble plaka” sa mga motorsiklo.
Ayon sa Pangulo, kakausapin niya ang LTO at si Sen. Richard Gordon na author ng bagong batas na Motorcycle Crime Prevention Act.
“I will try to convince the LTO to maybe hang onto it, i-suspend ko lang muna, kasi it is not good. It is dangerous to place another gadget, lalo na may kanto ang plate number eh,” wika ni Duterte sa pagdalo sa 25th National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines Annual National Convention sa Iloilo City.
Naniniwala ang Pangulo na mapanganib ang paglalagay ng malaking plaka sa harap ng motorsiklo.
Isang motorcycle rider din kasi ang Pangulo.
“Anything that is sharp, has sharp edges, is not good,” giit pa ni Duterte.
Aniya, masyadong malaki rin ang P50,000 multa sa violators bagkus ang mungkahi nito ay P10,000- P15,000.
“As a compromise, you have to enlarge the plate number [at the back of the motorcycle] by one fourth so that the number can be seen,” dagdag pa ng Pangulo.
Matatandaang umani ng negatibong reaksyon mula sa mga motorcycle drivers ang naturang batas dahil malalagay umano sila sa panganib dahil dito.
- Latest