^

Bansa

Operasyon sa ‘14 magsasaka’ lehitimo

Joy Cantos, Rudy Andal, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Operasyon sa �14 magsasaka� lehitimo
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong mga search warrant laban sa mga biktima na hinihinalang kasapi ng mga rebeldeng komunista.
Kabataan Party-list/Facebook

Palasyo at PNP nanindigan

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Ma­lakanyang na isang lehitimong police operations ang pagkakapatay ng mga awtoridad sa 14 apat na magsasaka sa magkakahiwalay na lugar sa Negros Oriental.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong mga search warrant laban sa mga biktima na hinihinalang kasapi ng mga rebeldeng komunista.

Inihayag ni Panelo na may prosesong sinusunod ang hukuman ma­ging ang mga otoridad na nagpapatupad ng batas.

Taliwas ito sa aku­sasyon ng human rights group na ang insidente ng pagkakapatay ng mga awtoridad sa 14 na magsasaka sa Negros Oriental ay isa umanong masaker.

Idiniin din ni Philippine National Police Chief General Oscar Alba­yalde na lehitimo at hindi masaker ang  pagkamatay ng 14 SPARU unit members at mga suppor­ters ng New People’s Army sa Negros Oriental  matapos ang mga itong manlaban sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad kamakalawa.

 “Hindi totoo na ito ay massacre. Ito ay nangyari sa mga iba’t-ibang lugar and remember there were also 12 people who were arrested. So meron pong hindi nanlaban at naaresto. Itong mga 14 ito ‘yung mga sinasabi nilang nanlaban. Hindi naman siguro magpapaputok ‘yung ating mga pulis kung hindi naman talaga nanlaban itong mga taong ito dahil kung talagang ang intensyon dyan ay talagang patayin lahat yan, then all of them probably including the 12,” pahayag ni Alba­yalde sa press briefing.

Sinabi pa ni Albayalde na bagaman lehitimo ang operasyon ay iimbestigahan ito ng PNP-Internal Affairs Service  kaugnay ng posibleng pagkukulang ng mga pulis sa operasyon.

Kabilang sa mga nasawi ay walo sa Canlaon City, apat sa bayan ng Manjuyod at dalawa sa Sta Catalina habang 12 pa ang nasakote sa kabuuang 37 search warrants kaugnay ng pag-iingat ng mga baril na walang lisensya.

Iginigiit ng human rights group na ang mga napatay at nasakote ay mga magsasaka at hindi miyembro ng NPA.

Samantala, nanawagan si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa Department of Interior and Local Government at Department of National Defense na huwag abandonahin at ibigay ang kinakaila­ngang legal assistance sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at PNP na isinasangkot sa magkakahiwalay na operasyon kung saan 14 na magsasaka sa Negros Oriental na pinaniniwalaang mga miyembro ng komunista ang napatay.

Ayon kay Lacson, sa halip na kondenahin, dapat suportahan ng publiko ang mga kawani ng AFP at PNP.

Sinabi pa ni Lacson inilalagay ng mga AFP at PNP personnel sa panganib ang kanilang buhay para sa kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan laban sa mga masasamang elemento.

vuukle comment

FARMERS

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with