Martin Romualdez ‘next Speaker’ - Sara Duterte
MANILA, Philippines — Inendorso ni Davao City Mayor Sara Duterte si dating Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez para maging susunod na Speaker ng House of Representatives.
“Si Congressman Martin Romualdez ang susunod na Speaker of the House of Representatives,” pahayag ni Sara si ginanap na campaign rally ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Tacloban City, Leyte.
Si Romualdez ay pamangkin ni dating first lady Imelda Marcos at tumatakbong kongresista ng 1st District ng Leyte sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats party. Tumakbo siya sa pagka-senador noong 2016 ngunit pang-15 lang sa botohan.
Nagpasalamat naman si Romualdez kay Sara dahil umano sa tiwala at kumpiyansa nito para iendorso siya bi lang susunod na Speaker ng Kamara.
Nang tanungin upang linawin ang kanyang endorsement kay Romualdez sinabi ni Mayor Sara na patuloy pa rin nilang sinusuportahan si Alan Peter Cayetano para maging susunod na Speaker.
Anya, wala pa namang kasiguraduhan ang lahat dahil wala pa namang eleksyon.
- Latest