^

Bansa

Cloud seeding inutos na ng DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Cloud seeding inutos na ng DA
Inatasan din ng Kalihim ang DA regional officials na makipag-ugnayan sa Philippine Air Force para makapagsagawa ng cloud seeding sa Bulacan, Pampanga at Rizal upang madaluyan ng tubig ang La Mesa dam.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inutos na kahapon ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa regional offices ng Department of Agriculture na magsagawa ng cloud seeding ope­rations upang makalikha ng ulan na tutulong na maitaas ang water level sa mga dam sa bansa.

Ang direktiba ay bu­nga na rin ng nararana­sang kakapusan sa suplay ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan dulot ng pagbaba ng water level sa mga dam sa panahon na ma­lakas ang demand sa tubig dahil sa sobrang init.

Inatasan din ng Kalihim ang DA regional officials na makipag-ugnayan sa Philippine Air Force para makapagsagawa ng cloud seeding sa Bulacan, Pampanga at Rizal upang madaluyan ng tubig ang La Mesa dam.

Sinasabi naman ng PAGASA na mahirap magsagawa ng cloud seeding operation kung hindi fertile ang alapaap. Kailangan umanong mayroong thunderstorm clouds na magagamit para lagyan ng asin para magkaroon ng ulan.

Kailangan din uma­nong isagawa ang cloud seeding sakaling ang kumpol ng alapaap ay nasa itaas ng mga dam partikular sa La Mesa.

Inaasahang sa buong summer sa bansa, mahina hanggang sa walang tubig ang mararanasan sa MM laluna sa eastern part ng kalakhang Maynila dahil sa El Niño.

May 97 percent ng tubig sa MM ay mula sa Angat dam sa Bulacan at ang tubig sa La Mesa ay reserba lamang ng Manila Water sakaling tumindi ang pagbaba ng water level sa Angat.

vuukle comment

EMMANUEL PIñOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with