^

Bansa

Mataas na transmission rate tiniyak ng Comelec

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mataas na transmission  rate tiniyak ng Comelec
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kampante sila na maaabot ang mataas na transmission rate dahil nakapagtala na rin sila ng mataas na transmission rate noong 2016 national elections.
Boy Santos

Sa eleksyon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Commission on Elections na inaasahan nilang aabot sa 96 hanggang 97 porsyento ang transmission rate ng election result para sa May 13 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kampante sila na maaabot ang mataas na transmission rate dahil nakapagtala na rin  sila ng mataas na transmission rate noong 2016 national elections.

Inamin ni Jimenez na bigo silang maabot ang 100 percent transmission rate dahil sa paggamit nila ng cellular signals na kadalasang pumapalpak.

Tiniyak naman ni Jimenez sa publiko na handa ang Comelec sa mga back up nito sakaling mawalan ng maayos na signal para sa darating na eleksyon.

Samantala, pinaalalahanan ni Jimenez ang mga bo­tante na i-shade ng isandaang porsyento ang oval sa balota.

Sinabi ni Jimenez na mayroon silang special marker kaya hindi dapat gumamit ng ballpen o lapis sa pag-shade ng buo sa oval.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

JAMES JIMENEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with