^

Bansa

Duterte at Nur Misuari nagkita sa Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte at Nur Misuari nagkita sa Palasyo
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na, nagkaroon ng short talk ang Pangulo at si Misuari na tumagal lamang ng 15 minuto.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nagkausap na sina Pangulong Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari, kamakalawa ng gabi sa Palasyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na, nagkaroon ng short talk ang Pangulo at si Misuari na tumagal lamang ng 15 minuto.

Siniguro umano ni Pangulong Duterte kay Misuari na muli silang mag-uusap pagbalik nito sa bansa.

Nakatakdang lumabas ng bansa si Misuari matapos payagan ng Sandiganbayan at maglagak ng P920,000 travel bond upang dumalo sa OIC meeting.

Una rito muling nanawagan si Duterte kay Misuari na magkaroon sila ng dialogue.

Ginawa ng Pangulo ang panibagong apela kasunod nang napabalitang ilang miyembro ng MNLF ang hindi natutuwa sa naging 80-man composition ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) dahil ilan lamang na opisyal ng MNLF ang maitatalaga dito at karamihan sa mga bumubuo rito ay mula sa karibal na grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Inatasan naman ni Pangulong Duterte ang pulis at militar na huwag gagalawin si Misuari kung ito ay lalabas mula sa kuta sa Jolo, Sulu.

vuukle comment

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with