^

Bansa

Papel ng EDSA ipinaalala ni Pangulong Duterte

Joy Cantos, Mer Layson, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Papel ng EDSA ipinaalala ni Pangulong Duterte
Umulan ng confetti sa entablado sa People Power Monument kahapon kaugnay ng pagdiriwang ng ika-33 anibersaryo ng EDSA revolution.
(Kuha ni Michael Varcas)

MANILA, Philippines — Iniugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang People Power Revolution sa pagiging matagumpay ng halalan.

Sa kaniyang mensahe sa paggunita ng 33rd EDSA revolution, sinabi ng Pangulo na dapat alalahanin ng mga mamamayan na ang naganap na rebolusyon ay may malaking papel sa halalan dahil nakamit ang kalayaan na mamili ng mamumuno sa bansa.

Binigyang halaga rin anya ang mga nawala at ang mga nabawi dahil sa naganap na rebolusyon.

Umaasa rin ang Pa­ngulo na magsilbing ins­pirasyon ang okasyon sa lahat lalo na ang mga makabagong heneras­yon na dapat pahalagahan ang kalayaan at karangyaan na nakamit dahil sa EDSA people power.

Kaugnay nito, na­ging mapayapa ang paggunita kahapon sa ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa kabila ng mga inilunsad na rally ng iba’t-ibang grupo sa EDSA People Monument at EDSA Shrine.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi naman dumalo sa selebrasyon si dating Pa­ngulong Fidel Ramos na palaging pa­ngunahing pandangal sa pagtitipon sa mga naunang pagdiriwang dahil sa malaking papel na ginampanan niya upang maging matagumpay ang pagpapatalsik sa diktaduryang Marcos at mailuklok sa pwesto si dating Pangulong Corazon Aquino.

vuukle comment

PEOPLE POWER REVOLUTION

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with