^

Bansa

Pulis bawal mag-selfie, mag-post ng ebidensya sa social media

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pulis bawal mag-selfie, mag-post ng ebidensya sa social media
Ito ang mariing babala ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde matapos umani ng negatibong reaksyon ang kaso ng limang rookie cops ng Talisay City Police na nag-selfie habang nag-iimbentaryo ng nakumpiskang droga noong nakaraang linggo.
File Photo

MANILA, Philippines — Bawal mag-selfie at i-post sa social media ang mga ebidensyang droga at iba pang krimen ang mga pulis.

Ito ang mariing babala ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde matapos umani ng negatibong reaksyon ang kaso ng limang rookie cops ng Talisay City Police na nag-selfie habang nag-iimbentaryo ng nakumpiskang droga noong nakaraang linggo.

Ang limang bagitong pulis ay nasibak matapos i-post sa Facebook ang kanilang selfie photo. 

Sinabi ni Albayalde na nang makarating sa kaniya ang insidente ay agad niyang inatasan ang Directorate for Investigative and Detective Management (DIDM) na magsagawa ng imbestigasyon. Dito ay lumitaw na nagla-label lang ang nasabing mga pulis sa mga ebidensyang droga na nakumpiska sa anti-drug operation.

Maaring ma-reprimand o maparusahan ang nasabing mga parak depende sa kalalabasan ng imbestigasyon.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with