^

Bansa

Pinoy mas malaki ang tiwala sa US

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pinoy mas malaki  ang tiwala sa US
Sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa may 1,800 adult respondents noong Disyembre 14-21, 84 percent ng mga Filipino ang mas may tiwala pa rin sa US.

Kaysa sa China, Russia

MANILA, Philippines — Nananatiling malaki ang tiwala ng mga Pilipino sa United States (US) kaysa sa China at Russia batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia.

 Sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa may 1,800 adult respondents noong Disyembre 14-21, 84 percent ng mga Filipino ang mas may tiwala pa rin sa US.

 Lumitaw din sa survey na mas mababa ang tiwala o walang tiwala ang mga Filipino sa Russia at China. 54 percent ang nakuha ng Russia habang 60 percent naman ang China.

 Nakakuha naman ng 75 percent ang nagtitiwala rin sa Japan habang 72% ang nakuhang pagtitiwala naman ng Australia at sinundan ito ng United Kingdom na may 57 percent.

Ginawa ang survey may isang buwan ang nakalipas matapos dumalaw sa Pilipinas si Chinese President Xi Jinping.

 Noong March 2017 survey naman ng Pulse Asia ay nakakuha rin ang China at Russia ng pinakamataas na distrust rating kung saan ay 63 percent ang nakuha ng China at 56% naman ang Russia habang 79 percent naman ang nagtitiwala pa rin sa US.

vuukle comment

XI JINPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with