^

Bansa

Palasyo: Narco-politicians na manlalaban, mamamatay

Philstar.com
Palasyo: Narco-politicians na manlalaban, mamamatay
Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag noong weekend.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Ilang araw matapos mapatay ang isang dating mayor sa Maguindanao, binalaan ng Malacañang ang mga pulitikong may kinalaman sa kalakalan ng droga na maaari silang sumunod kung manlalaban sa pulis.

“Anumang antas ng pamumuhay ng mga nasa drug industry, pareho-pareho ang kasasapitan nila kung makikipagbarilan sa mga otoridad," sabi ng tagapagsalita ng pangulo na si Salvador Panelo sa Ingles.

Nasawi kasi sa anti-drug operation ang dating alkalde ng Parang, Maguindanao na si Talib Abo Sr. matapos diumanong makipagbarilan nang hainan ng search warrant noong Biyernes.

Isa si Abo sa mga pulitikong iniuugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapakalat ng droga noong 2016, bagay na itinanggi ni Abo.

"Pinapayagan ang mga alagad ng batas na gumamit ng dahas kapag nalalagay sa peligro ang kanilang buhay sa gitna ng isang lehitimong operasyon. Marami nang sinirang henerasyon ang salot na droga," dagdag niya.

vuukle comment

NARCO POLITICIANS

SALVADOR PANELO

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with