^

Bansa

Tigdas outbreak pinangangambahan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tigdas outbreak  pinangangambahan

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Sen. Leila de Lima sa Senado ang posibilidad na magkaroon ng measles o tigdas outbreak dahil sa patuloy na pagtanggi ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa gitna ng nangyaring kontrobersiya tungkol sa Dengvaxia.

Ayon kay de Lima, mas maraming bata ang na­nganganib na magkaroon ng nakamamatay na tigdas dahil hindi sila nabakunahan.

Ipinunto ni de Lima na patuloy ang ulat tungkol sa mga batang nagkakaroon ng tigdas at namamatay sa ilang bahagi ng bansa.

Naniniwala ang senadora na katungkulan ng gobyerno na tiyakin sa publiko na ligtas ang bakuna laban sa tigdas at mabigyan sila ng tamang impormasyon tungkol dito.

Dahil aniya sa kontrobersiya na dala ng dengue vaccine na Dengvaxia, marami ng mga magulang ang tumatanggi sa libreng bakuna na ibinibigay ng gobyerno.

Kinumpirma ni Health Undersecretary Enrique Domingo na hindi nakuha ng Department of Health ang vaccination target nito na 85-90 porsiyento dahil 60 percent ng mga batang Filipino ay hindi nabigyan ng kanilang naka-scheduled na vaccines.

Nitong Nobyembre 29, kinumpirma ng DOH na mino-monitor nila ang isang suspected outbreak sa Sarangani matapos mapaulat na posibleng namatay sa nasabing sakit ang 18 batang Lumad.

vuukle comment

DENGVAXIA

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with