^

Bansa

Universal Health Care niratipikahan na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Universal Health Care  niratipikahan na
Layunin ng panukala na magkaroon ng 100% coverage sa mga health care services ang lahat ng Filipino.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Niratipikahan na kahapon ng Senado ang panukalang Universal Health Care (UHC) Bill.

Layunin ng panukala na magkaroon ng 100% coverage sa mga health care services ang lahat ng Filipino.

Inaasahang ipapadala na sa Malacañang ang panukala para malagdaan ni Pangulong Duterte.

Nauna ng sinertipikahang “urgent” ng Pangulo ang panukala kaya tiyak na lalagdaan niya ito.

Sinabi ni Sen. JV Ejercito na hindi na magiging problema kahit sa mga mahihirap ang magpagamot dahil sasagutin ito ng PhilHealth.

“Bata, matanda, babae, lalaki, miyembro ng LGBT com­munity, PWD, kahit sino basta Pilipino, sa ilalim ng UHC, alalay ang gobyerno sa gastos kapag sila ay nag­kasakit,” sabi ni Ejercito.

Kapag nalagdaan na ng Pangulo, ang lahat ng Pinoy ay awtomatikong magkakaroon ng PhilHealth coverage at hindi na mangangailangan pa ng PhilHealth ID.

vuukle comment

UNIVERSAL HEALTH CARE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with