^

Bansa

Distressed OFWs mula Saudi dumating sa bansa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Distressed OFWs mula Saudi dumating sa bansa
Ito ang naipangako ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na mapabalik sa bansa ang mga kababayan na hindi pinalad sa nasabing bansa upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Kapaskuhan.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Nasa 109 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumating sa bansa mula sa Damman, Kingdom of Saudi Arabia kahapon.

Ito ang naipangako ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na mapabalik sa bansa ang mga kababayan na hindi pinalad sa nasabing bansa upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Kapaskuhan.

Umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight 683 ang distressed OFWs.

Nabatid na pinagka­looban sila ng Repatriation team ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng transportation assistance, kabilang ang temporary shelter sa kanilang pag-uwi.

Sinabi ng OWWA na marami sa OFWs ang nag­desisyong umuwi na sa bansa dahil sa pag­­labag sa kontrata ng ka­nilang Saudi employers, gaya ng hindi pagbaba­yad ng kanilang suweldo at mga benepisyo, pagkaantala ng sweldo, kawalan ng vacation leaves at pagkabigo na makakuha ng final exit visa.

Tumanggap din naman ang mga OFWs ng special financial cash assistance habang naghihintay na makauwi sa bansa.

Pinagkalooban din sila ng cash assistance at livelihood package bago sila umuwi sa kani-kanilang lalawigan.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SILVESTRE H. BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with