^

Bansa

Lacson kay Andaya: ‘Pork barrel yan’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan kahapon ni Sen. Panfilo Lacson si House Majority Leader Rolando Andaya na basahin ang kabuuan ng Supreme Court ruling na nagsasabing labag sa batas ang pork barrel funds.

Ayon kay Lacson, maliwanag na pork barrel ang tig-P60 milyong inilaan sa bawat distrito ng mga congressmen na nakapaloob sa panukalang P3.757 trillion national budget para sa susunod na taon.

Sinabi rin ni Lacson na hindi na maari pang lokohin ang mga mamamayan.

“Hindi na kayang lokohin ang mga kababayan natin. Sana basahin ni Cong. Andaya at mga kasamahan niya ang kabuuan ng SC ruling outlawing pork barrel,” sabi ni Lacson.

Ipinunto pa ni Lacson na ang kahulugan ng pork barrel funds ay hindi lamang ang mga pondong inilagay bago maisabatas ang budget o kaya ay pagkatapos maging isang batas.

Naniniwala si Lacson na nagkaroon ng “grave abuse of discretion” sa pagla­lagay ng tig-P60M para sa distrito ng mga mambabatas.

vuukle comment

PANFILO LACSON

ROLANDO ANDAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with