^

Bansa

Digong balik-Pinas ngayon

Cecille Suerte Felipe - Pilipino Star Ngayon
Digong balik-Pinas ngayon
“Baka nga extension ng martial law, siguro ipiprisinta sa kanya bago iendorso sa Kongreso. Siguro alam niya gipit kami sa oras dahil sa budget,” sabi pa ni Sotto.
Robinson Ninal/PPD

MANILA, Philippines — Ipinahiwatig kahapon ni Senate President Vicente Sotto III na maagang tinapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbisita nito sa Papua New Guinea para personal nitong matingnan ang plano ng pamahalaan na palawigin ang pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao.

“Baka nga extension ng martial law, siguro ipiprisinta sa kanya bago iendorso sa Kongreso. Siguro alam niya gipit kami sa oras dahil sa budget,” sabi pa ni Sotto.

Ayon naman kay Senador Antonio Trillanes, ang pagputol ng Pangu­lo sa pagbisita nito sa Papua New Guinea ay indikasyon ng katamaran nito at hindi ang pagharap sa isyu ng pagpapalawig ng martial law.

Inaasahang nakabalik na ngayong Linggo sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte base sa schedule na ipinalabas kamakalawa ng Palasyo.

Sa advisory, hindi na dadalo ang Pangulo sa ikalawang araw ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Papua New Guinea dahil uuwi na siya sa Davao City Sabado pa lamang ng gabi.

Dahil dito, hindi na makakasama ng Pangulo sa tradisyon na APEC’s family photo at sa dialogue kasama ang International Monetary Fund.

Inaasahan namang makakadalo ang Pangu­lo sa gala dinner bago ito bumalik ng Pilipinas. (Malou Escudero)

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

VICENTE SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with