^

Bansa

OFW e-CARD, ipinakilala

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
OFW e-CARD, ipinakilala
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang OFW e-CARD ay magsisilbing patunay ng pagiging aktibong OWWA member at magbibigay ng madaliang access sa mga serbisyo, scholarships, mga programa sa pagsasanay, at mga benepisyong panlipunan mula sa OWWA. Maari rin itong magsilbi bilang valid government ID.
Ed Gumban

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang OFWs E-card bilang bahagi ng paghahatid ng mas maayos na serbisyo ng gobyerno sa OFWs.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang OFW e-CARD ay magsisilbing patunay ng pagiging aktibong OWWA member at magbibigay ng madaliang access sa mga serbisyo, scholarships, mga programa sa pagsasanay, at mga benepisyong panlipunan mula sa OWWA. Maari rin itong magsilbi bilang valid government ID.

Sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ang OFW e-CARD ay libre para sa lahat ng Balik-Manggagawa OFWs na aktibong miyembro ng OWWA, may tamang Overseas Employment Certificate (OEC) o Numero ng Exemption, at may valid passport.

Upang maiwasan ang data breach, ang OFW e-CARD ay naglalaman ng isang natatanging bilang ng pagiging miyembro ng OFW at QR code bilang mga security feature.

vuukle comment

OFWS E-CARD

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with