^

Bansa

Dengvaxia probe tinapos ng DOJ

Edu Punay - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pamilya ng mga batang mag-aaral na namatay umano sa bakunang Dengvaxia laban sa dengue ay maaaring makasilip na ng hinahangad nilang hustisya.

Ito ay dahil opisyal nang tinapos ng Department of Justice ang preliminary investigation nito sa unang batch ng mga kaso ng dengvaxia sa pinal na pagdinig noong Oktubre 30.

Isinumite na ng komite ng DOJ na pinangunguluhan ni Assistant State Prosecutor Maria Emilia Victorio ang kaso para desisyunan at sisikapin nilang makapaglabas ng resolusyon sa buwang ito.

Tutukuyin sa naturang resolusyon kung merong umiiral na probable cause para kasuhan ang mga respondent na pinangungunahan ni dating Health Secretary Janette Garin sa reckless imprudence resulting to homicide sa ilalim ng Revised Penal Code at paglabag sa Anti-Torture Act at Consumer Act na isinampa ng mga pamilya ng mga biktima.

Bukod kay Garin, kinasuhan din  ang iba pang opisyal ng Department of Health at ng Sanofi Pasteur na taga-gawa ng Dengvaxia. Isinama rin sa demanda ang kasalukuyang kalihim ng DOH na si Secretary Francisco Duque dahil sa panahon ng kanyang pa­nunungkulan namatay ang dalawa sa mga biktima na nabakunahan ng Dengvaxia.

Pinabulaanan nina Garin at ng ibang mga akusado ang mga paratang sa pagsasabing  hindi sila maaaring panagutin dahil wala pang patunay na ang pagkamatay ng mga biktima ay sanhi ng Dengvaxia.

Ang Public Attorney’s Office ng DOJ ay nakapagdokumento ng 96 katao na namatay sa Dengvaxia na naiturok sa may 800,000 batang mag-aaral sa panahon ng immunization program ng naunang administrasyon.

vuukle comment

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with