^

Bansa

Draft federal constitution inalmahan ng oposisyon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Draft federal constitution inalmahan ng oposisyon
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, devious ang resolution ng Both Houses Number 15 dahil ikino-convert nito ang Kamara bilang Constituent Assembly o ConAss nang walang kaalam-alam ang publiko.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinalagan ng mga taga oposisyon ang inihain ni House Speaker Gloria Arroyo na draft federal constitution sa plenaryo ng Kamara.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, devious ang resolution ng Both Houses Number 15 dahil ikino-convert nito ang Kamara bilang Constituent Assembly o ConAss nang walang kaalam-alam ang publiko.

Lalong hindi umano katanggap-tanggap ang transitory provision on succession ng Draft Fe­deral Constitution na nag-iitsapwera sa Bise Presidente sakaling mamatay o bumaba sa pwesto ang pangulo dahil sa resignation o incapacity.

Iginiit pa ni Villarin, lumalabas na maasahang kaalyado ni Pangulong Duterte si Arroyo dahil binibigyang daan sa termino nito sa Kamara ang mga kaduda-dudang pagbabago sa Saligang Batas tulad ng pagtatanggal sa term limit at pagbabawal sa political dynasty.

Para naman kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, desperado ang administrasyon na buhayin ang naghihingalong charter change.

Sinabi pa ni Zarate na nakakapaghinala ang timing ng paghahain noong Setyembre ng Resolution of Both Houses Number 15, pagpasa nito sa committee level noong nakaraang linggo habang ang buong kapulungan ay abala sa budget.

Nagbabala naman ang kongresista na mapanganib ang Chacha na isinusulong ngayon sa Kamara dahil kapag napagtibay ito bago ang 2019 elections ay hindi na matutuloy ang halalan at mauurong ito sa 2022.

vuukle comment

DRAFT FE­DERAL CONSTITUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with