^

Bansa

‘Recruitment’ sa mga estudyante pipigilan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Recruitment� sa mga estudyante pipigilan
Sinabi ni Eleazar na ang dialogue niya sa CHED ay naka-focus kung paano mapigilan ang mga estud­yante mula sa recruitment ng mga masasamang grupo nang hindi napipigilan ang kanilang kalayaan sa pamamahayag.
Miguel de Guzman

NCRPO, CHED kumilos

MANILA, Philippines — Nakipag-ugnayan na si National  Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera para mahinto ang umano’y recruitment sa mga estudyante sa kolehiyo at unibersidad para mapatalsik si Pa­ngulong Duterte.

Sinabi ni Eleazar na ang dialogue niya sa CHED ay naka-focus kung paano mapigilan ang mga estud­yante mula sa recruitment ng mga masasamang grupo nang hindi napipigilan ang kanilang kalayaan sa pamamahayag.

Kasama rin sa dayalogo si PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana Jr.

Inihayag din umano ni de Vera na nais niyang konsultahin ang mga presidente o lider ng mga unibersidad hindi lamang sa NCR kundi maging ang ibang rehiyon.

Pinaalalahanan din niya ang mga magulang na maging mapagbantay sa mga aktibidad ng kanilang mga anak para mapigilan ang pagsanib sa iba’t ibang grupo.

Nanindigan si Eleazar na ang recruitment sa mga estudyante ng mga makakaliwang grupo ay patuloy kaya dapat na mapaliwanagan sila kung anong panganib ang nag-aabang sa kanila kapag sumali sila sa underground movements.

Napakahalaga anya ng konsultasyon sa CHED para mabisita nila ang mga eskwelahan na identified na recruitment place para sa planong pagpapatalsik sa Pangulo.

vuukle comment

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with