^

Bansa

PDP-Laban 6 na lang ang kandidato sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
PDP-Laban 6 na lang ang kandidato sa Senado
Ayon kay Sen. Koko Pimentel, magiging istrikto sila sa mga pipiliing kandidato na dapat ay sumusuporta sa Federalismo.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Mula sa dating 24, nasa 5 hanggang 6 na lamang ang posibleng maging kandidato ng PDP-Laban sa pagka-senador.

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, magiging istrikto sila sa mga pipiliing kandidato na dapat ay sumusuporta sa Federalismo.

“Istrikto kami na talagang yung nominees ng PDP-Laban for senator must be federalism advocates, must have fully complied with membership requirements, must have served the party, must have shown his or her face in party activities not just appear when its time for filing of COC (certificate of candidacy) and just claim that he or she is a member,” sabi ni Pimentel.

Sa susunod na linggo nila ihahayag kung sinu-sino ang kanilang opisyal na kandidato.

Matapos aniyang magtanggal ng mga pangalan sa kanilang listahan ay nasa lima hanggang anim na lamang ang natirang posibleng maging kandidato kasama si Pimentel na isang reelectionist.

Kabilang sa mga nag-backout si Reps. Karlo Nograles at Dax Cua na tatakbong gobernador.

Pero inihayag din ni Pimentel na bukas ang PDP-Laban na ampunin si Davao City Mayor Sara Duterte sakaling magdesisyon itong kumandidatong senador.

Titiyakin din nilang hindi makakasama sa kanilang listahan ang mga pulitikong nasa narco list.

Samantala, inihayag naman ni Sen. Cynthia Villar na tatlo lamang ang kandidato ng Nacionalista Party sa pagka-senador.

Bukod kay Villar, tatakbo rin sa ilalim ng NP sina Gov. Imee Marcos at Rep. Pia Cayetano na tinawag ni Villar ang grupo na “Tres Marias.”

Naniniwala rin si Villar na malaking tulong ang endorsement sa kanila ni Mayor Sara dahil maituturing na rin itong endorsement ni Pangulong Duterte.

vuukle comment

KOKO PIMENTEL

PDP-LABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with