^

Bansa

‘Protocol sa airport sundin’- Palasyo

Rudy Andal, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Protocol sa airport sundin�- Palasyo
Sinabi ni Roque, mismong si Pangulong Duterte ay sumusunod sa protocol na ipinapatupad sa airports at hindi ito humihingi ng anumang VIP treartment.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Pinayuhan kahapon ng Malacañang ang mga opisyal at bawat Pilipino na tularan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsunod sa protocol na umiiral sa mga airports, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Sinabi ni Roque, mismong si Pangulong Duterte ay sumusunod sa protocol na ipinapatupad sa airports at hindi ito humihingi ng anumang VIP treartment.

Tumanggi namang magbigay ng anumang reaksyon ang Palasyo sa inasal ni ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz sa viral video nito sa airport sa isang OTS personnel.

Aniya, hintayin na lamang muna ang ginagawang imbestigasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pangyayari na kinasangkutan ng kongresista.

Nagpaalala rin kahapon si Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na sila ay nasa puwesto para magsilbi at hindi pagpasilbihan at mabigyan ng special treatment.

Ayon sa FB post ni Sec. Go, bilang mga empleyado o opisyal ng gobyerno ay dapat magsilbing huwaran ng tamang halimbawa ng pagkilos at pagsunod sa mga batas.

Nilinaw din ni Go na kahit sumasama sa mga biyahe sa abroad ng Pa­ngulo si Bertiz dahil sa pagiging  kinatawan nito ng sektor ng mga OFW ay  hindi niya saklaw ang  anumang sinasabi o ginagawa nito kaya haha­yaan na lamang niyang ito ang magpaliwanag sa kinasasangkutang isyu.

Idiniin pa ni Go na walang palakasan sa gobyerno ni Pangulong Duterte. 

Sinabi ni Sec. Go hindi dapat paniwalaan ang mga taong  ginagamit ang kanyang pangalan dahil hindi niya kailangang magpakilala  at sa halip ay nagtatrabaho lang siya nang walang hinihinging kapalit. 

Samantala, ipinaalala kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi dapat ituring na mga opisyal ng gobyerno ang sarili na mga boss kundi mga alila.

Ipinagmalaki pa ni Sotto na, kahit pa may mga pagkakataon na nais siyang paunahin sa linya ng mga immigration officers kapag pumapasok ng paliparan, tinatanggihan niya ito dahil nakakahiya umano ito sa mga tao.

Sinabi pa ni Sotto na nag-aalis din siya ng sapatos at lahat ng mga dapat tanggalin sa katawan dahil sila ang dapat maging ehemplo bilang mga public officials. 

vuukle comment

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with