^

Bansa

Pahayag ng DOTr official vs drivers pinalagan ni Poe

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pahayag ng DOTr official vs drivers pinalagan ni Poe
Ayon kay Poe, masyadong “insensitive” ang paha­yag ni Transport Assistant Sec. Mark Richmund de Leon sa gitna ng kinakaharap na problema ng mga jeepney dri­vers na hindi tiyak kung ano ang mangyayari sa kanila sa sandaling magtuloy-tuloy ang modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Umalma kahapon si Sen. Grace Poe sa pahayag ng isang opisyal ng Department of Transportation na ang pagmamaneho ng jeep ay hindi na dapat ituring na pangkabuhayan.

Ayon kay Poe, masyadong “insensitive” ang paha­yag ni Transport Assistant Sec. Mark Richmund de Leon sa gitna ng kinakaharap na problema ng mga jeepney dri­vers na hindi tiyak kung ano ang mangyayari sa kanila sa sandaling magtuloy-tuloy ang modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan.

Sabi ni Poe, hindi trip-trip lang ang paggising ng maaga ng mga driver para maghanap-buhay at itaguyod ang kanilang pamilya. 

“Walang pakiramdam itong mga taong ito. Ano, gigising ka nang napakaaga para mamasada, trip-trip lang ‘yon, para lang pampalipas oras? ‘Yung mga driver na nakapagtaguyod ng kanilang mga anak na nakapagtapos ng pag-aaral, bakit kaya nila ginagawa ang sakripisyong ito?” sabi ni Poe.

Ipinaalala ni Poe, chairman ng Senate committee on public services, na ang dapat gawin ng mga opisyal ng DOTr ay suportahan ang mga maaapektuhan ng mo­dernisasyon ng mga jeep.

Umaangal ang mga driver dahil P80,000 lamang ang subsidy na ibibigay sa kanila para bumili ng mga mo­dernong jeep na nagkakahalaga ng nasa P1.8 milyon.

Ayon pa kay Poe, nasa 600,000 ang mga jeepney drivers sa buong kapuluan na umaasa lamang sa pamamasada para mabuhay ang kanilang pamilya.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with