^

Bansa

Senado sa gov’t: Bilhin ang ‘Storm Damaged Palay’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senado sa gov�t: Bilhin ang �Storm Damaged Palay�
“Sana po tugunan ng Pangulo ang hinaing ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya,” wika ni Sen. Bam, na tinutukoy ang mga magsasaka na nabigong anihin ang kanilang pananim bago ang paghagupit ng Bagyong Ompong.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Bam Aquino kay Pangulong Duterte na utusan ang National Food Authority (NFA) na bilhin ang tinatawag na Storm-Damaged Palay (SDP) mula sa mga magsasaka sa lugar na sinalanta ng Bagyong Ompong upang tulungan sila at kanilang pamilya na makabangon.

“Sana po tugunan ng Pangulo ang hinaing ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya,” wika ni Sen. Bam, na tinutukoy ang mga magsasaka na nabigong anihin ang kanilang pananim bago ang paghagupit ng Bagyong Ompong.

“Utusan sana niya ang NFA na bilhin ang SDP. Tulungan natin ang mga kababayan nating magsasaka,” dagdag ni Bam.

Ayon sa senador, sa paraang ito, matutulungan ang mga magsasaka na mabawi ang kapital na ginamit sa pagbili ng binhi, pataba at iba pang gamit sa pagtatanim.

Sinabi ni Bam na hindi na bago sa NFA ang pagbili ng SDP dahil ginawa na ito ng ahensiya sa nakalipas na mga taon. Subalit ang presyo ay nakadepende sa kalidad, kabilang ang moisture content ng palay.

Maaaring gamitin ng pamahalaan ang President’s Social Fund o ang Calamity Fund, na parehong nasa panga­ngasiwa ng Office of the President, upang mapondohan ang pagkilos, ayon pa kay Sen. Bam.

vuukle comment

BAM AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with