^

Bansa

‘Life’ hatol kay Palparan

Boy Cruz, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�Life�  hatol kay Palparan
Si Palparan kasama sina Lt. Col. Felipe Ano­tado at Staff Sgt. Edgardo Osorio ay hinatulan ng habang buhay na pagka­bilanggo dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan.
Michael Varcas)

MANILA, Philippines — Matapos ang 12  taon, guilty ang naging hatol ng Malolos Regional Trial Court kay Retired Gene­ral Jovito Palparan at da­lawang iba kaugnay ng pag­kawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006.

Si Palparan kasama sina Lt. Col. Felipe Ano­tado at Staff Sgt. Edgardo Osorio ay hinatulan ng habang buhay na pagka­bilanggo dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan.

Inatasan ng korte ang tatlo na magbayad ng tig-P100,000 civil indemnity at P200,000 para sa moral damages.

Hulyo 2011 pa nang simulang dinggin ng korte ang kaso laban kay Palparan na noong panahong yun ay nagtatago pa sa batas.

Nakulong lamang si Palparan nang mahuli ito noong 2014 sa Sta. Mesa, Manila.

Samantala, napuno ng emosyon ang sala ni Judge Alexander Tamayo ng Malolos Regional Trial Court Branch 15 matapos nyang hatulan ng guilty si Palparan at dalawang iba pa.

Tuwa ang makikita sa mga kaanak at tagasuporta nina Empeño at  Cadapan dahil sa nakamit nilang hustisya.

Habang binabasa ang sentensya ay sini­gawan pa ni Palparan si Judge Tamayo ng … “Duwag ka Judge, napakaduwag mo.”

Binalaan ni Judge Ta­mayo ng contempt si Palparan subalit sumagot pa ang dating he­neral na makukulong rin naman sila sabay pagmumura pa umano sa hukom.

Sa kanyang desis­yon, ipinag-utos ni Judge Ta­mayo na ilipat na sa New Bilibid Prison (NBP) si Palparan at dalawang kapwa akusado mula sa kanilang Custodial Center sa Fort Bonifacio.

Gayunman, umape­la ang mga abogado ni Palparan na panati­lihin muna sila sa Fort Bonifacio dahil may nakabin­bin pa silang kaso sa Malolos Regional Trial Court.

vuukle comment

JOVITO PALPARAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with