^

Bansa

BOC intel agent nabisto ni Gordon sa drug smuggling

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
BOC intel agent nabisto ni Gordon sa drug smuggling
Si Sens. Richard Gordon at Manny Pacquiao nang pangunahan kahapon ang Senate hearing sa umano’y shipment ng P6.8 bilyong shabu na ipinuslit papasok sa bansa mula sa Malaysia.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Inutos kahapon ni Senate Blue Ribbon Committee chairman, Sen. Richard Gordon, ang ‘detention’ at pagsibak sa intelligence agent ng Bureau of Customs (BOC) matapos mabistong “nagsisinungaling” hinggil sa kanyang papel sa talamak na smuggling ng iligal na droga sa bansa.

Sa pagdinig ng komite, ibinunyag ni Gordon na ginawang “fall guy” ni Customs intelligence agent, Jimmy Guban ang isang ‘scavenger’ mula sa Bacoor, Cavite at “mailigtas” naman sa kaso ang may-ari ng isang trading company na pinaniniwalaang “nagparating” ng may isang toneladang shabu na may halagang higit P6.8 bilyon noong nakaraang Hulyo.

Isa si Guban sa mga naimbitahan ng Senado sa ginawa nitong pagdinig sa talamak na drug smuggling sa bansa kung saan higit 335 kilos ng shabu na aabot sa higit P4 bilyon ang nakumpiska ng BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Agosto 7 sa Manila International Container Port.

Ang mga shabu, na pinarating umano ng ‘Vecaba Trading,’ ay natagpuan sa isang kargamento ng mga ‘magnetic scrap lifter galing umano sa Malaysia.

Noon namang Agosto 10, isang abandonadong warehouse sa GMA, Cavite ang sinalakay ng PDEA kung saan isang toneladang shabu na nagkakaha­laga ng higit P6.8 bilyon at nakapangalan sa ‘SMYD Trading ang pinaniniwalaan ng PDEA ang nakalusot sa pagbabantay ng BOC.

Sa testimonya ng second year high school dropout at scavenger mula sa Bacoor, kilala niya si Guban bilang si “chairman” na umano’y nakakumbinsi sa kanya na lumagda sa isang ‘sworn affidavit’ at pinalalabas na siya ang “may-ari” ng mga magnetic lifter na inilabas sa pantalan ng SMYD Trading.

Aniya, walang katotohanan ang kanyang naunang ‘affidavit’ na ginawa niya bilang tulong kay Guban at kay Marina dela Cruz Signapan, ang may-ari ng SMYD Trading na “kaibigan” naman ni Guban. 

“Ang nangyari dito, kumuha ka ng isang inosente upang gawing ‘fall guy’ at iligtas naman itong si Signapan,” galit na salita ni Gordon kay Guban.

Bukod sa detensyon ni Guban, inatasan din ni Gordon si BOC Commissioner Isidro Lapeña at PDEA Director General Aaron Aquino na madaliin ang imbestigasyon kay Guban upang agaran itong matanggal sa serbisyo at masampahan ng kaukulang mga kasong kriminal.

vuukle comment

DRUG SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with