^

Bansa

TRAIN 2 lusot na, ginawang TRABAHO Law

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
TRAIN 2 lusot na, ginawang TRABAHO Law
Naging unanimous ang botohan ng komite matapos ang mga marathon hearings kaya tulu­yan na itong nailusot.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Aprubado na ng House Ways and Means Com­mittee ang ikalawang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2.

Naging unanimous ang botohan ng komite matapos ang mga marathon hearings kaya tulu­yan na itong nailusot.

Dahil pasado na sa komite ipapasa ito para sa plenary deliberation bago ang ikalawa at ikatlong pagbasa.

Nagdesisyon naman ang komite na baguhin ang pangalan ng natu­rang panukala at gawin na lamang ito bilang “Tax Reform Attracting Better and High Quality Opportunities” (TRABAHO).

Sa ilalim nito, ibababa sa 20% ang corporate income tax ng mga kumpanya mula sa kasalukuyang 30%.

Sisimulang ipatupad ang 2 percent na bawas kada taon sa darating na 2021, at ipagpapatuloy hanggang sa tuluyang maibaba ang corporate income tax sa 20%.

Magkakaroon din ng rationalization sa mga insentibo na ibinibigay sa mga negosyo at sa mga karapat-dapat na kumpanya.

Idinagdag pa ng kongresista na ang mga kumpanya na mas makakalikha ng trabaho ang papaboran na mabigyan ng ganitong benepisyo.

Papaboran din umano rito ang mga kumpanya na magtatayo o magpapalawak ng ope­rasyon sa mga kanayunan.

vuukle comment

TRAIN 2 LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with