^

Bansa

‘Mocha baboy, bastos’

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Mocha baboy, bastos�
Sina Presidential Communications Assistant Se­cretary Mocha Uson at ang kanyang online co-host na si Drew Olivar sa kontrobersiyal na video.

Pepe, dede infomercial pinalagan ng mga senador

MANILA, Philippines — Mariing pinalagan kahapon ng mga senador ang kontrobersiyal na “pepe, dede infomercial” na ipinalabas ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson at kaibigan nitong si Drew Olivar tungkol sa pederalismo.

Ayon kay dating Se­nate President Aquilino “Koko” Pimentel, hindi niya akalain na bababuyin ni Uson ang kampanya ng pederalismo na matagal na ring isinusulong ng kanyang amang si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

“Ako ay nagkamali!... ‘Di ko lubos akalain na bababuyin pala nila ang kawsa ng Pederalismo. Ilayo na si Mocha sa Pederalismo. Mag-aral muna siya ng mabuti. Mag leave muna siya,” sabi ni Pimentel.

Kinuwestiyon naman ni Senator Risa Hontiveros kung ano ang kinalaman ng maseselang bahagi ng katawan ng babae sa usapin ng pederalismo?

Ayon kay Hontiveros, isang malaking insulto sa opisinang kinakatawan ni Uson ang nasabing video at isang malaking kabastusan sa mga kababaihan.

Sinabi naman ni Senator Bam Aquino na Hindi lahat ng bagay nadadaan sa kabastusan. Lalo na kapag kinabukasan ng bayan ang pinag-uusapan.

Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, kahit na wala ang partisipasyon ni Uson ay patay na ang panukalang pederalismo at naghihintay na lamang ng cremation Sa Senado.

Naging kontrobersiyal ang kantang “I-pepe, i-pepe, i-dede, i-dede, i-pepe-pepe-pepederalismo” habang isinasayaw naman ng kaibigan ni Uson na si Olivar.

Naniniwala naman si Senator Francis “Chiz” Escudero na ang gina­wang jingle na tumutukoy sa maselang bahagi ng katawan ng mga babae ay isang desperadong hakbang para lamang makaagaw ng atensiyon ang pederalismo.

Idinagdag ni Escudero na bukod sa bulgar, walang puwang sa isang matinong diskusyon ang nasabing video lalo pa’t mahalaga at importanteng isyu ang pinag-uusapan.

Nais din ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na ipaliwanag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang pinakahuling kapalpakang ginawa ni Uson.

Bagaman at hindi napanood ang kontro­bersiyal na video, sinabi ni Senator Cynthia Villar na nakarating na rin ito sa kanyang kaalaman at marami ang nagsabing hindi ito maganda. Dapat aniyang ayusin ang pagsusulong sa kampanya ng pederalismo.

Samantala, idinagdag ni Pimentel na “unfortunate” na inilabas ang video matapos ihayag na magiging advocate o spokesperson ng pede­ralismo si Uson.

“Kaya tuloy naisip ng tao na rito ba pumunta ang pera ng gobyerno? So it’s very unfortunate na mali-link na kasi yong whatever efforts she will do in behalf of federalism doon sa video,” sabi ni Pimentel.

Samantala, itinutulak ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin na tanggalan ng pondo ang Presidential Communication Ope­rations Office (PCOO) dahil sa kontrobersyal na pede­ralismo video ni Uson.

Sinabi ni Villarin na kung sa ganitong klase rin lamang ng trabaho napupunta ang buwis ng publiko ay mabuti ang i-zero na sa budget ang PCOO.

Binatikos din ng kong­resista si Mocha kasabay ng pasaring dito na Presidential office ay hindi isang comedy bar kaya dapat niyang alalahanin na ito ay isa nang opisyal ng gobyerno na dapat ay nagpe-perform  hindi ng kalaswaan kundi ng kanyang trabaho nang may integridad at respeto.

Para naman kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, malaswa, mababaw at binabastos nina Uson ang opisina nila sa Malacañang at hindi nila naiisip na isa itong napakahalagang usapin at binababoy nila ang pagpapaliwanag dito.

Related video:

vuukle comment

AQUILINO “KOKO” PIMENTEL

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with