^

Bansa

Senado hati sa death penalty

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senado hati sa death penalty
Ginawa ni Pangilinan ang pahayag matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Harry Ro­que na nananatiling prayoridad ng Malacañang ang death penalty para sa mga mabibigat na kaso kaugnay sa iligal na droga.

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Sen. Kiko Pangilinan na haharangin ng mga senador na kasapi ng Li­beral Party ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Ginawa ni Pangilinan ang pahayag matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Harry Ro­que na nananatiling prayoridad ng Malacañang ang death penalty para sa mga mabibigat na kaso kaugnay sa iligal na droga.

Sinabi rin ni Roque na nasa kamay ng mga senador ang usapin tungkol sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Aminado si Pangilinan na kailangan ang pagkilos ng lehislatura para maibalik ang parusang kamata­yan pero hindi ito kakatigan ng mga LP senators.

Napatunayan na rin aniya na hindi makakapigil sa krimen ang nasabing parusa.

Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara na hindi umuusad sa Senado ang panukala at sa huli niyang tantiya, hati ang Senado sa isyu.

Pabor naman si Se­nate President Tito Sotto sa panukala pero para lamang umano sa mga “high-level drug traffickers.”

Maari naman aniyang matukoy kung sino ang mga maituturing na mga high-level drug trafficker.

vuukle comment

KIKO PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with