De Lima binasahan na ng sakdal
MANILA, Philippines — Makalipas ang ilang taon, binasahan na rin ng sakdal o na-arraigned na rin kahapon si Sen. Leila de Lima hinggil sa kinakaharap na kasong illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Gayunman ay tumangging maghain ng plea ang senadora at nagbigay na lang ng “not guilty plea” si Judge Lorna Navarro-Domingo, ng Muntinlupa City Regional Trial Court, Branch 206.
“I do not recognize the legitimacy and the validity of the charges against me,” ani de Lima.
Sa kabila na tinangka ng hukom na patahimikin ito ay nagbigay pa rin ng pahayag ang senadora.
“Now, there are two other cases pending before the other Court, this case is completely fabricated and bogus from orchestrated lies,” dagdag ni de Lima.
Naghain din ng “not guilty” plea para rin sa kasong drug charges sina dating Bureau of Corrections (BuCor) director Franklin Jesus Bucayu; dating aide ni de Lima na sina Ronnie Dayan at Joenel Sanchez.
Matatandaan, sinampahan ng kaso si de Lima at ilang pang personalidad dahil umano sa pagkakasangkot ng mga ito sa umano’y illegal drug trade sa NBP noong Marso 13 hanggang Mayo 2015 noong si de Lima pa ang kalihim ng DOJ.
- Latest