Malinis na restrooms, free internet access sa bus stations at RoRo aprub sa Senado
MANILA, Philippines — Inaprubahan na kahapon sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang gawing malinis ang mga restroom facilities sa mga land transportation at Roll-on/Roll-off (RoRo) terminals sa buong bansa.
Ipinunto ni Sen. Grace Poe, awtor ng Senate Bill 1749 o “Act to Improve Land Transportation Terminals, Stations, Stops, Resto Areas and Roll-on/Roll-off Terminals” ang kahalagahan ng malinis na mga restrooms kabilang na ang mga gas stations.
“I am sure you travel and seen this for yourself. Sometimes, we go to gas stations and use the restrooms there and we cannot even use it if we do not fill up or we do not buy anything from the store,” pahayag ni Poe sa kanyang talumpati.
Layunin din ng panukala na maglagay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng free internet access sa mga terminal at isang “lactation station” na hiwalay sa sanitary facilities.
Ipagpapabawal rin ang paniningil sa mga pasahero ng bayad para sa paggamit ng mga sanitary facilities.
Ayon pa kay Poe, 79 porsiyento ng domestic travelers noong 2016 ay gumagastos ng nasa P476 per trip sa land transportation kaya dapat lamang na suklian ang mga ito ng maayos na serbisyo.
- Latest