^

Bansa

Solusyon sa problema inaasahan sa SONA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Solusyon sa problema  inaasahan sa SONA
Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, sana ay masabi ng Pangulo kung ano ang plano nito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kung papaano madagdagan ang kita ng mga mamamayan at paano mabibigyan ng trabaho ang taumbayan.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Umaasa ang mga senador na ilalatag ni Pangulong Duterte ang solusyon sa mga problemang nagpapahirap sa mga mamamayan sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, sana ay masabi ng Pangulo kung ano ang plano nito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kung papaano madagdagan ang kita ng mga mamamayan at paano mabibigyan ng trabaho ang taumbayan.

Naniniwala naman si Sen. Sonny Angara na isasama ng Pangulo sa kanyang SONA ang mga napirmahan nitong batas katulad ng libreng edukasyon, school feeding, anti-hazing, at libreng irigasyon.

Posible rin aniyang magbanggit ang Pangulo tungkol sa ipinasang Bangsamoro Organic Law at kapayapaan sa Mindanao.

Nakatitiyak din si Angara, na hindi makakalimutan ng Pangulo ang paborito nitong topic tungkol sa peace and order at anti-drug effort ng gobyerno.

Giit naman ni Sen. Bam Aquino, na dapat talakayin ni Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong SONA kung paano tutugunan ang pasanin ng mahihirap na Pilipino na nabibigatan sa mataas na presyo ng bilihin dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Umaasa si Sen. Bam na susuportahan ni Pangulong Duterte ang kanyang panukala na layong suspindihin at i-rollback ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law. 

Isinusulong din ng senador ang buong pagpapatupad ng ayuda sa ilalim ng TRAIN Law, tulad ng unconditional cash transfer program para sa mahihirap na pamilya at Pantawid Pasada para sa jeepney operators at drivers.

vuukle comment

DUTERTE

KIKO PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with