^

Bansa

LPA bagyong Inday na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
LPA bagyong Inday na
Alas-11 ng umaga kahapon, si Inday ay namataan ng PAGASA sa layong 660 kilometro silangan timog silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso na 65 kph.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ganap nang bagyo ang isang low pressure area na namataan sa Northern Cagayan na pinangalanang Inday.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Inday ay namataan ng PAGASA sa layong 660 kilometro silangan timog silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso na 65 kph.

Si Inday ay patuloy na kumikilos pa-silangan sa bilis na 15 kph.

Pinalalakas ng habagat ang bagyong Inday kaya maulan sa buong Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa buong Metro Manila, Cagayan Valley, Cavite, Batangas, Laguna at nalalabing bahagi ng Central Luzon hanggang Biyernes.

 Inaasahang lalabas ng bansa si Inday sa darating na araw ng Linggo.

vuukle comment

LOW PRESSURE AREA

TYPHOON INDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with