^

Bansa

Alvarez ‘di isusuko ang ‘no-el’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Alvarez  �di isusuko  ang �no-el�
Ito’y sa gitna na rin ng kaliwa’t kanang pagtutol ng iba’t ibang sektor sa ‘federal form of government” na nais ng admi­nistrasyon.

MANILA, Philippines — Hindi aatras si House Speaker Pantaleon Alvarez sa paninindigan nito na ipagpaliban muna ang mid-term elections sa 2019  kaugnay ng isinusulong na paglipat sa pederalismo ng gobyerno.

Ito’y sa gitna na rin ng kaliwa’t kanang pagtutol ng iba’t ibang sektor sa ‘federal form of government” na nais ng admi­nistrasyon.

Sinabi ni Alvarez na kung hindi sasang-ayon ang Senado para sa pagpapaliban ng 2019 elections ay maari pa rin itong maisulong sa pamamagitan ng people’s initiative upang amyendahan ang probisyon ng Konstitusyon na isagawa ang halalan kada ikatlong taon.

“We have already studied that alternative, it can be done,” ani Alvarez na iginiit na kailangan lamang ng pagkakaisa ukol dito.

Binigyang diin ni Alvarez na isinasapinal pa nila ang draft ng panukalang Federal Charter sa Kongreso at sinabing umaa­sang hindi ito sasalungatin ng Senado.

Aniya, sakali mang mangyari ito ay isusulong nila ang Constituent Assembly (Con-Ass) para makakuha ng ¾ na boto bago ito isumite sa taum­bayan para sa ratipikas­yon ng referendum.

Iginiit ng House Spea­ker sa ilalim ng 1987 Cons­titution ay hindi inoob­liga ang dalawang Kapulungan na mag-convene para sa Con-Ass.

Inihayag pa nito na tinatayang aabutin ng anim hanggang walong buwan bago makumpleto ang debate at deliberasyon sa Federal Charter at idinagdag pang seryoso ang pamahalaan sa Charter change para sa federal form of government.

vuukle comment

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with