^

Bansa

‘No-el’ ni Alvarez kokontrahin ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�No-el� ni Alvarez kokontrahin ng Senado
Ayon kay Sen. Grace Poe, hindi magiging katanggap-tanggap sa publiko ang anumang uri ng hakbang para madaliin ang pagbabago sa porma ng gobyerno.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Hindi papayagan ng mga senador ang inilulutang na No Election o “No El” sa 2019 sa gitna ng isinusulong na pag-amiyenda sa Konstitusyon upang mabago ang porma ng gobyerno mula sa Presidential patungong Federal.

Ayon kay Sen. Grace Poe, hindi magiging katanggap-tanggap sa publiko ang anumang uri ng hakbang para madaliin ang pagbabago sa porma ng gobyerno.

Ipinalutang ni House Speaker Pantaleon Alvarez kamakalawa ang idea ng “no-election” sa 2019 upang magkaroon umano ng maayos na transition sa federalism.

Ipinahiwatig ni Poe na haharangin ng Senado ang “no-el” ni Alvarez.

“There’s the Senate that he has to deal with,” sabi ni Poe.

Maliwanag naman aniya ang nakasaad sa Konstitusyon kaugnay sa pagdaraos ng eleksiyon at kahit pa amiyendahan ang Konstitusyon kaila­ngan pa rin ang boto ng Senado.

Naniniwala rin si Poe na hindi magiging katanggap-tanggap sa Senado at sa publiko ang no election scenario.

Hindi rin papayag ang Senado na magkasamang boboto ang House of Repre­sentatives at ang Senado sa balak na pag-amiyenda sa Konstitusyon.

vuukle comment

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with