^

Bansa

‘Conflict of interest’ sa DOT TV ads nasilip ng COA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Conflict of interest� sa DOT TV ads nasilip ng COA
Ayon sa COA, P89.9 milyon ng P120 milyon budget ang inilaan sa Kilos Pronto show na ang producer ay ang Bitag Media Unlimited na pag-aari ng TV host na si Ben Tulfo.
DOT/Released

MANILA, Philippines — May nakikitang “conflict of interest” ang Commission on Audit (COA) ng pumasok si dating Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo sa kontrata ng kumpanya na pag-aari ng kanyang kapatid para sa isang television campaign.

Ayon sa COA, P89.9 milyon ng P120 milyon budget ang inilaan sa Kilos Pronto show na ang producer ay ang Bitag Media Unlimited na pag-aari ng TV host na si Ben Tulfo.

Giit pa ng COA, dahil ang DOT Secretary at ang producer ng nasabing programa ay magkapatid, kaya mayroong conflict of interest na umano’y paglabag sa Section 3 (e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Base pa sa dokumento sa website ng state auditors, natanggap ng DOT ang COA report noong Hunyo 29 at si Teo ay nag-resign noong Mayo matapos kwestiyunin ng COA ang deal niya sa Bitag Media.

Una nang sinabi ng dating kalihim na walang conflict of interest habang sinabi naman ni Tulfo na ibabalik nila ang P60 milyon na ad placements.

Pinuna rin kamakailan ng COA ang Bids and Awards Committee ng DOT dahil sa hindi paghingi ng quotations mula sa ibang TV networks.

Katwiran naman ng DOT na hindi na sila kumuha ng quotation sa ibang networks dahil sa reasonable at economic value ang airing spots sa PTV.

vuukle comment

WANDA TEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with