^

Bansa

Kapalpakan ni Trillanes ‘wag isisi kay Digong-Cayetano

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Kapalpakan ni Trillanes  �wag isisi kay Digong-Cayetano
Tugon ito ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa mga ipinupukol ng kampo ni Trillanes na kahinaan ng aksyon ng gobyerno sa problema ng mga mangi­ngisda sa Scarborough o Panatag Shoal.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Hindi dapat isisi sa administrasyong Duterte ang naging kapalpakan ni Sen. Antonio Trillanes at dating Pangulong Aquino sa isyu ng Scarborough Shoal.

Tugon ito ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa mga ipinupukol ng kampo ni Trillanes na kahinaan ng aksyon ng gobyerno sa problema ng mga mangi­ngisda sa Scarborough o Panatag Shoal.

“Tayo ang may complete control ng Scarborough Shoal at ang Chinese at Vietnamese fisherman, hinuhuli pa natin.

Noong 2012, nagkaroon ng stand-off. Dyan po, si Senator Trillanes mismo ang naging back-channeler sa Chinese at on the record po ito lahat,” ani Cayetano.

“Nag-decide sila na paalisin ‘yung mga ship natin kasi may usapan daw sila with the Chinese na aalis din. Sa haba ng istorya, umalis ‘yung ship natin, ‘yung sa Chinese hindi, they got control,” paglilinaw ng Kalihim.

Tuluyan nang hinarangan ang Scarborough shoal ng mga Chinese coast guards dahil sa mga maling desisyon ng nakaraang administrasyon. 

Matatandaang inexpose ni dating senador Juan Ponce Enrile ang maraming “secret meetings” ni Trillanes sa China noong 2012. 

Hindi isiniwalat ni Trillanes sa mga kapwa niya senador ang buod ng mga meeting na ito.

Noon pa lamang ay binalaan ng dating Se­nate president si dating Pangulong Aquino na ito ay magdudulot ng peligro sa national security ng bansa. 

Nanindigan naman si Cayetano na mara­ming naging bunga ang seryoso at tahimik na pakikipag-usap sa China ng Duterte administration.

Tinawag ding ires­ponsable ni Cayetano ang mga sinabi ni Cong. Gary Alejano at Trillanes tungkol sa aksyon ng gobyerno tungkol sa pagbabantay sa West Philippine Sea. 

“Mayroong tayong mga ebidensya na tuloy ang patrol sa West Philippine Sea. Hindi totoo na walang protest, ‘yun ang unang kasinungalingan. Hindi totoo na wala ng patrol. At higit sa lahat hindi totoo na nawala sa atin ang Sandy Cay,” paliwanag ni Cayetano.  

Dahil aniya sa mga “fake news” na pinapa­kalat ni Trillanes, lalong hindi mapapanatag ang sambayanan.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

SCARBOROUGH SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with