^

Bansa

ISIS nagtuturok ng HIV virus, hindi totoo - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
ISIS nagtuturok ng HIV  virus, hindi totoo - PNP
Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. John Bulalacao, pananakot lang at walang katotohanan ang naturang balita.
File

MANILA, Philippines — Pinawi kahapon ng Philippine National Police(PNP) ang pa­ngamba ng publiko sa kumakalat na balita sa social media partikular na sa Facebook hinggil sa mga gumagalang Islamic of State of Iraq and Syria (ISIS) na nangangatok sa mga kabahayan at nagtuturok umano ng HIV-AIDS virus sa mga sibilyan.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. John Bulalacao, pananakot lang at walang katotohanan ang naturang balita.

Sinabi ni Bulalacao, scripted ang nasabing mensahe at hindi ito dapat paniwalaan.

“The PNP has pre­viously declared as hoax this post because this is a mere chain text. Although poorly scripted, we ask the public not to share said post as this may create unnecessary fear among gullible individuals,” anang opisyal.

Base sa chain message na galing pa umano sa intelligence na nakalap ng gobyerno, pinag-iingat ang publiko sa hindi mga kilalang tao na magtutungo at kakatok sa kanilang mga kabahayan na nagpapakilalang galing sa Facul­ty of Medicine at umano’y kukunan ng blood sample bilang libreng pagbibigay proteksyon ng gobyerno sa kanilang kalusugan.

Pipilitin din umano ng grupo ang mga sibilyan na magpakuha ng dugo para ma-check ang blood sugar niyo. 

Nakasaad din sa mensahe na kontaminado ng sakit na AIDS ang kara­yom na gagamitin ng mga diumano’y miyembro ng teroristang ISIS na paraan ng mga ito sa paghahasik ng terorismo.

Nabatid pa na sa beripikasyon sa Facebook ang nasabing nakakaalarmang mensahe ay kumalat na rin sa ibang bansa simula pa nitong Marso na bahagi rin ng pag-atake ng ISIS terrorists.

vuukle comment

HIV-AIDS VIRUS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

STATE OF IRAQ AND SYRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with