Digong pasok sa Most Powerful People of 2018 ng Forbes
MANILA, Philippines – Muling nakabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng Forbes Magazine’s Most Powerful People of 2018.
Nasa ika-69 na posisyon si Duterte sa 75 leaders, advocates at entrepreneurs mas mataas kumpara sa 70th place niya noong 2016.
Napansin ng magazine si Duterte matapos niyang ipangako noong panahon ng kampanya na tapusin ang kriminalidad at droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
“So far, his war on crime has already resulted in the killing of thousands of people across the archipelago country,” nakalagay sa Forbes magazine.
Sinabi rin nito ang “raw and vulgar vocabulary” ng Pangulo.
“He called Obama ‘son of a whore’ and has used homophobic slurs to describe opponents,” dagdag ng Forbes.
Niton lamang ay kabilang din sa TIME magazine si Duterte bilang isa sa mga strongmen. itinanggi naman niya na siya ay leader na namumuno gamit ang sobrang kapangyarihan.
Ang kaibigan ni Duterte na si Chinese President Xi Jinping ang nakakuha ng unang puwesto sa listahan. Pinalitan niya si Russian President Vladimir Putin na nakuha ang titulo sa sunud-sunod na apat na taon.
Nasa ikatlo at ikaapat na pwesto naman si United States President Donald Trump at German Chancellor Angela Merkel.
Ito ang listahan ng Top 10 World's Most Powerful People.
- Chinese President Xi Jinping
- Russian President Vladimir Putin
- US President Donald Trump
- German Chancellor Angela Merkel
- Amazon's Jeff Bezos
- Pope Francis
- Bill Gates
- Saudi Arabia Crown Prince Mohammed bin Salman Al Saud
- Prime Minister of India Narendra Modi
- Google's Larry Page
Sinabi ng Forbes na nabuo nila ang listahan ng makakapangyarihang tao sa mundo sa dami nang kanilang naiimpluwensiyahang tao, financial resource na kinokontrol, kalagayan ng mga taong kanilang mga naiimpuwensyahan at ng kanilang aktibong paggamit ng kapangyarihan.
- Latest