^

Bansa

Responsable sa rescue ng OFWs pinasisibak

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Responsable sa rescue  ng OFWs pinasisibak
Dapat din aniyang tanggalin ang lahat ng nagbibigay ng maling payo kay Pangulong Duterte.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Pinasisibak ni Sen. Kiko Pangilinan ang nasa likod ng pag-rescue sa mga OFW ng walang tamang koordinasyon sa Kuwaiti police na naging dahilan para palayasin ang ambassador ng Pilipinas sa nasabing bansa na si Renato Villa.

Dapat din aniyang tanggalin ang lahat ng nagbibigay ng maling payo kay Pangulong Duterte.

“Fire whoever was behind the rescue attempt and all those who gave bad advise to the President,” sabi ni Pangilinan.

Sinabi naman ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat magsagawa ng “high level” visits sa Kuwait upang maipakita ang kahalagahan ng bilateral relationship ng Pilipinas sa nasabing bansa.

“High level visits. To show we put importance to our bilateral relationship with Kuwait,” sabi ni Pimentel.

Iginiit naman ni Sen. Nancy Binay na nakakalungkot ang nangyari dahil nabarahan ang lahat ng hakbang para magkaroon ng memorandum of understanding (MOU) sa Kuwaiti government para mabigyan ng proteksiyon ang mga OFW.

Sinabi pa ni Binay na sa ngayon ay hindi na dapat palalain ang isyu upang hindi malagay sa alanganin ang mga Filipino sa Kuwait.

Naniniwala rin si Binay na dapat gumawa ng kaukulang hakbang ang Department of Fo­reign Affairs (DFA) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) para matiyak na hindi na mauulit ang nasabing insidente at maibalik ang relasyon ng Pilipinas sa Kuwait para sa kapakanan ng nasa 250,000 OFWs sa nasabing bansa.

Ipinaalala naman ni Sen. Risa Hontiveros na dahil sa nangyari kung saan pinapalayas na ang ambassador ng Pilipinas, nakulong ang apat na embassy staff at posibleng pag-aresto sa tatlong iba pang Pinoy diplomats, mahihirapan na ang gobyerno na ma-monitor ang mga OFW sa nasabing bansa.

vuukle comment

KIKO PANGILINAN

OFW

RESCUE ATTEMPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with