^

Bansa

Albayalde papalit sa pwesto ni Bato

Pilipino Star Ngayon
Albayalde papalit sa pwesto ni Bato

MANILA, Philippines — Ipinakilala na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang papalit sa mababakanteng pwesto ni Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa.

Inihayag ngayong Huwebes ni Duterte na si National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde ang magiging bagong hepe ng kapulisan.

“Albayalde will be the PNP (chief),” pahayag ni Duterte sa awarding ceremony sa presidential palace.

“He is very strict. Albayalde is the man for you. The stricter the better,” dagdag niya.

Kilala si Albayalde dahil sa kaniyang matinik na pag-iikot sa bawat presinto upang tiyaking nagtatrabaho ang kaniyang mga tao.

Ilang kapulisan na rin ang nasibak sa pwesto dahil sa kanilang kapabayaan, kabilang ang mga natutulog sa presinto habang naka-duty.

Nitong Enero pa sana bababa sa pwesto si dela Rosa matapos maabot ang mandatory retirement age ngunit pinalawig ni Duterte ang kaniyang termino.

Hindi pa naman tuluyang makapagpapahinga si dela Rosa dahi pamumunuan naman niya ang Bureau of Corrections na siyang namamahala sa mga piitan, kabilang ang New Bilibid Prison.

 

vuukle comment

NCRPO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with