^

Bansa

Mga bagong barya pinababawi

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga bagong barya pinababawi

Ayon kay Nograles, dapat i-recall agad ng BSP ang mga bagong barya dahil sa seryosong kapalpakan nito.     Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pinababawi ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Rep. Jericho Nograles sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang lahat ng barya o coins na inilabas nila dahil sa nakakalitong mga disenyo nito.

Ayon kay Nograles, dapat i-recall agad ng BSP ang mga bagong barya dahil sa seryosong kapalpakan nito.

Iginiit ng Kongresista na nagbibigay ito ng kalituhan sa publiko lalo na sa mga jeepney drivers sa kanilang pagsusukli dahil kamukha ng P5 coins ang piso.

Ang mga ganitong kalituhan umano ay nangyayari rin sa mga commercial establishments.

Taliwas din umano ito sa pahayag ni BSP Deputy Governor Diea Guinigundo na madaling makilala ang mga coins sa isang tingin lamang.

Ang bagong piso, limang piso at sampung piso na inilabas ng BSP sa publiko ay produkto umano ng disenyo at pag-aaral ng mahigit sa dalawang taon, ayon sa BSP.

Subalit tanong ng kongresista sa BSP kung kinonsulta ba nila ang anumang eskwelahan ng mga bulag at senior citizens gayundin kung kinonsidera nila ang jeepney, pedicab, tricycle at taxi drivers.

Related video:

vuukle comment

COINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with