^

Bansa

‘Palit-ulo’ expose ni Leni, pinalagan ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinalagan kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang expose ni Vice Pres. Leni Robredo hinggil sa umano’y ‘palit-ulo scheme’ sa Oplan Tokhang 2.

Ayon kay PNP Spokesman P/Sr. Supt. Dionardo Carlos, walang sapat na basehan ang expose ni VP Robredo dahil hindi pa aniya pinal kung ‘summary killings’ laban sa mga drug pushers at users ang nagaganap dahil lahat ng mga insidente ng pagpatay ay iniimbestigahan pa na karamihan ay hindi naman konektado sa giyera sa droga ng PNP.

Sa alegasyon ni Robredo, marami umanong nagawang pang-aabuso sa karapatang pantao ang giyera sa droga ng pamahalaan dahil sa ipinatutupad na warrantless search ng PNP kung saan nagaganap ang ‘palit-ulo ‘ scheme sa mga ‘urban poor areas’ o mga iskwater area sa Metro Manila.

Ang palit-ulo scheme, ayon sa pagbubulgar ni Rob­redo, kapag hindi umano natagpuan ng mga operatiba ang target na drug pusher ay sinuman sa pamilya nito ang kanilang kukunin.

Sa umano’y video ni Robredo, sinasabi nito na pinu-puwersa rin na magturo ang isang drug suspect ng iba pang sangkot sa droga kapalit ng kanilang kalayaan.

Umapela rin ang PNP na huwag sanang gamitin ang datos na inilalabas nila sa publiko hinggil sa Oplan Tokhang ng PNP sa maling paraan lalo at mali naman umano na i-generalize ang nasa mahigit 7,000 drug  personality.

Kaugnay nito, hinamon ni Carlos si Robredo na tukuyin ang mga ibinulgar nito sa palit-ulo na umano’y ginagawa ng mga pulis sa kanilang anti-drug operations.

vuukle comment

VICE PRES. LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with