^

Bansa

Pamilya at abogado ni Kerwin may death threat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pamilya at abogado ni Kerwin may death threat
Sa panayam naman sa mga legal counsels ni Kerwin na sina Atty. John Ungab at Atty Lani Villarino, kakambal na ng kanilang trabaho ang malagay sa peligro ang kanilang buhay kaya todo ang kanilang pag-iingat. “Batid namin ang pelig­ro. Lagi iyang nariyan at nakahanda kami. Kaya nga humingi kami sa PNP ng security detail,” paliwanag ni Ungab.
AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines – Pinaplano rin uma­nong ipatumba ng mga maiimpluwensyang personalidad  na sangkot sa illegal drug trade na nasa blue book  ng  naarestong number 1 drug lord ng Eastern Visayas  na si Rolan Kerwin Espinosa  ang mga miyembro ng kaniyang pamilya at maging ang  kaniyang mga legal counsels.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ de la Rosa, binigyan na niya ng direktiba si Police Regional Office (PRO) 8 Director P/Chief Supt. Elmer Beltejar na i-secure ang pamilya ni Kerwin.

Inaasahan na ayon sa opisyal na bukod kay Kerwin ay malagay rin sa peligro ang buhay ng pamil­ya nito.

Sa panayam naman sa mga legal counsels ni Kerwin na sina Atty. John Ungab at Atty Lani Villarino, kakambal na ng kanilang trabaho ang malagay sa peligro ang kanilang buhay  kaya todo ang kanilang pag-iingat.

“Batid namin ang pelig­ro. Lagi iyang nariyan at nakahanda kami. Kaya nga humingi kami sa PNP ng security detail,” paliwanag ni Ungab.

Ayon naman kay Villarino, sa pagtanggap pa lang sa  paghawak sa kaso ni Kerwin ay batid na nilang nalagay na sa bingit ng panganib ang kanilang buhay at handa sila sa anumang mangyayari.

Sa kasalukuyan ay bantay sarado naman sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Kerwin matapos itong dumating sa bansa nitong Biyernes ng madaling araw mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) kung saan ito naaresto.

Sinabi naman ni PNP-Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) Director P/Sr. Supt. Albert Ignatius Ferro na patuloy pa ang pagkuha ng affidavit kay Kerwin kaugnay ng mga personalidad na nasa pa­yola at sangkot sa illegal drug trade.

vuukle comment

ROLAN KERWIN ESPINOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with