^

Bansa

3 labor law, isasabatas ni Digong

Louise Maureen Simeon - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong panibagong batas sa paggawa ang inaasahang isasabatas ni President-elect Rodrigo Duterte pag-upo nito sa Hulyo kabilang na rito ang Anti-Age Discrimination Law

Sinabi ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, chairman ng House Committee on Labor, ang tatlong labor laws ay kasama sa mga huling naipasa bago nag-adjourn ang dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Sa ilalim ng Anti-Age Discrimination law, pinagbabawalan ang mga kumpanya na maglatag ng age preferences sa kanilang vacancy ads.

Hindi rin umano kailangang ipadeklara sa mga aplikante sa trabaho ang kanilang edad at bawal tanggihan ang application o magtanggal ng empleyado dahil sa edad.

Bukod sa Anti-Age Discrimination Law, ang dalawa pang labor measures ay ang Jobstart Law at ang panukalang expansion ng Republic Act 9547 o Special Program for Employment of Students Law.

Sa panukalang Jobstart Law, gagawin nang batas ang Jobstart Philippines Program para tulungan ang mga kabataang unemployed na makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pag-develop ng kanilang kaalaman at kakayanan sa formal education o technical training.

vuukle comment

SUGAR IMPORTS

SUGAR REGULATORY ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with